HULOG BARYA GANG (May 1, 2007)

Ganito kc yan, pauwi na ako, galing sa work mejo puyat pa nga ako., sumakay me ng jeep, malapit me sa dulo .., nung umaandar na yung jeep napansin ko ung sa harap ko di mapagkakatiwalaan yung mukha, tapos katabi ko sa kanan eh umuubo tapos dumudura sa labas, kapag dumudura sya sa bintana lagi akong pinapayuko para makadungaw sya sa bintana ng jeep. May katabi me sa kaliwa, naghulog siya ng barya, kahit papano napalingon ako, may bag siya na ginawa niyang harang pra makuha ung cellphone sa kaliwang bulsa ko, dalawang cellphone kasi dala ko nun, isang O2 xda PDA sa kanang bulsa at sony ericsson sa kaliwa , may nagsabi kc sa akin na magdala me ng low tech pra un pamigay ko sa snatcher . Napansin ko na rin na prang lagi akong binabanga nung mga katabi ko , ung nasa harap ko eh iginilid ung paa ko na umaAktong may kinukuhang barya sa ilalim ng upuan ko, Kaya yun, pa simple kong tiningnan cellphone ko para mag check ng oras, napansin ko na lang na nasa labas na ng bulsa ko, di ko muna sila pinansin, pro alam kong mga snatchers mga katabi ko . Alam mo nman d2, sa makati may designated na babaan , kaya pagdating sa babaan eh sumabay na ako sa ibang pasahero, nakakita ako ng mga pulis sa kabilang kanto, nagsumbong ako , pro sabi nila magpasalamat na lng ako kc walang nakuha sa akin, akala ko kc hahabulin ng mga pulis, kaya iyon, Moral lesson of the story , Be Alert, you must have presence of mind.. Kelangan ng courage , And I thank god na di nya ako pinabayaan.. Mag -ingat kayo palagi

—————-COMMENTS—————-
Andrew on July 25th, 2007
aba pare napakayaman mo na pala. sana man lang maambunan ako ng yaman mo.
super hitech ang mga cp mo ha. pahiram naman ng isa.
hahahahahaha….kitakits nalang pare! good luck sa buhay!